|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
Supreme Council Record of meeting held on February 21, 1896 Source: Archivo
General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.81 |
||
|
Introduction Transcribed below is Jacinto’s record of a Supreme
Council meeting held at Bonifacio’s house at eight o’clock in the evening of
Friday, February 21, 1896. Seven
members of the ten-man Council were present – “Maypagasa” (Andres Bonifacio), “Dimas Ayaran” (Pio
Valenzuela), “Pingkian” (Emilio Jacinto), “Tagaisok” (Aguedo del Rosario),
“Silang” (Balbino Florentino), “Subiang” (Jose Trinidad) at “Bulalakaw” (Pantaleon Torres) – and three
were therefore absent – “Maniangat” (Vicente Molina); “Silanganan” (Francisco
Carreon) and “Talibong” (Hermenegildo Reyes). Partly perhaps to minimise absences, partly to save
time and effort in notifying members every time a meeting was to be held, and
partly in recognition of the need to meet more regularly and frequently, the
Supreme Council agreed that it would in future convene at Bonifacio’s house
on the first and third Sunday of every month at eight o’clock in the morning. To deal with the workload arising from the KKK’s
growth and quickening activity, the Council assigned the six Kasanguni
(councillors) a specific title and responsibilities – Aguedo del Rosario was
elected as Assistant Secretary (to Jacinto); Pantaleon Torres as Warden;
Hermenegildo Reyes as Guard and Patroller; Francisco Carreon as Writer or
Recorder; and Jose Trinidad and Balbino Florentino as administrative
assistants. To improve and
standardise record-keeping throughout the organisation, the Council agreed to
request all sections to prepare a report showing each member’s name, alias,
date of initiation, positions held, dues paid, and status and occupation. It was agreed
that a meeting of the Kataastaasang Kapisanan (Supreme Assembly) should be
convened on March 22, 1896.
Hermenegildo Reyes was assigned to contact branches whose members had
not yet contributed to a collection for the widow of the brother known as
“Jasmin”. Finally, the
Supreme Council discussed arrangements for marking the 24th anniversary of
the executions of the priests Gomez, |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
K . K . K. N. M. A. N. B. Kataastaasang Sangunian (- Pinagsulatan - ) Sa
ngalan ng Bayang tinubuan, at sa lalung ikalalaki ng kaayusa’t lakas ng
K.K.K., itong K.S. ay gumawa sa ikadalawang puo’t isa ng Febrero ng taung
isang libo, walong dan, siam na puo’t anim, ng isang pagpupulong, sa bahay ng
kap. na Maypagasa. Sa
ikawalong daguk ng bakal sa tansu ng gabi, ay binuksan ang kar. at ang dito’y
nangakaharap ay ang mga kap. na Maypagasa, Dimas Ayaran, Pingkian, Tagaisok,
Silang, Subiang at Bulalakaw. Sa
ipinagutos ng k.p. na basahin ang pinagsulatan ng sinusundang pagpupulong, ay
ipinahayag ng k. kal. na kaniyang nakalimutang dalhin ang nasabing
pinagsulatan. Sa bagay na ito’y
pinagkaisahang dadalhin at babasahin sa susunod na pulong. Ginawa
ang paghahalal ng pangalawang Kal., Tagalaan, Taliba, Manunulat at Tagalibot
ng K.S., at ang pinagkaisahang nagsilabas ay ang mga kap. na Tagaisok sa
katungkulang pangalawang Kal., Bulalakaw tagalaan, Talibong Taliba at
tagalibot, at Silanganan manunulat.
Ang mga kap. na Subiang at Silang ay inihalal namang tagatulong sa
pagsulat. Sa
pagkakita ng lahat ng pagkakailangang tumaning ng mga araw na maging ugaling
pagpupulong ng K.S., pinagkaisahan na sa tuing una at ikatlong araw ng Lingo
ng bawat buan ay gagawin ang mga ugaling pagpupulong sa ikawalong daguk ng
bakal sa tansu ng umaga sa bahay ng kap. na Maypagasa; at sa bagay na ito ang
sino man ay di na kakailanganing untagin pa sa nauukol na pagdalo.
Pinagkaisahang
hihingin sa lahat ng pulutong ang isang malinaw na kasaysayan ng lahat ng k.
nasasanib at nasasakupan nila. Sa kasaysayang
ito ay malalagay ang pangalan ng bawat isa, pamagat, araw ng pagkapasuk,
katungkulang pinahawakan, pulutong na kinasasaniban, kabayaran sa pagkapasuk
at pagkaangat at tahanan. Pinagkaisahang
pupulungin sa ika dalawang puo’t dalawa ng buan ng Marzong dadating ang K.K. Pinagkaisahang
ipagtungkol sa kap. na Talibong ang lumibot sa mga By. at iba pang pulutong,
na siya’y maglilipit sa mga k. hindi pa nagbibigay ng ambagang manikapat
labing dalawa na nauukol sa saklolong pinagkaisahang ibibigay sa asawa ng
ating namatay na kap. na Jasmin. Tungkol
sa dating atas ng K.K. na ipagluluksa ng buong Kat. ang kalalagimlagim na
araw ng ikadalawang puo’t walo ng Febrero dahil sa pagkabitay sa araw na ito
ng mga kababayang Gomez, Burgos at Zamora ay pinagkaisahan itong mga
sumusunod: I – Ang bawat bayang may pulutong ang magaayus ng isang andas sa
araw na ito mula sa ikaanim ng daguk ng bakal sa tansu ng umaga hangang sa
ikasampu ng sa gabi. II – Ito’y
tatanuran sa loob ng maghapun ng halihaliling k. may sandata sa kamay. III – Sa andas ay masasabit ang isang
kalatas na kinasulatan ng panunumpang ipaghihiganti ang pagkamatay nila. IV – Sa gagawad ng panunumpang nakasulat at
tuloy maglalaglag ng isang munting kaya sa pingang ilalagay sa harap ng
andas. V. – Ang salaping dito’y
mailigpit ay ibibigay sa Sanguniang Lihim.
VI – Sa silid na kalalagian ng undas ay walang makakapasuk kung di k.
at nakaluksa. Kapagkatapus
sumumpa ang lahat na di isisiwalat ang lahat ng namasda’t napakingan,
niwakasan itong pagpupulong sa ikasampung daguk ng bakal sa tansu ng gabi. Maynila,
ika 21 ng Febrero ng taung 1896. Ang K.P. Vzypzgzsz Ang K. Kal. Pnllknzll |
|
|