|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
The Supreme Council Record of meeting held on June 24, 1896, in Pandacan Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja
5677, leg.1.63 |
||
|
Chronologically
this is the last Supreme Council document known to be still extant.
When it was written Bonifacio and Jacinto knew the revolution could not be
long delayed. Just two months later they would be in Balintawak.
Historians might hope, therefore, to glean from the document a sense of
the excitement and trepidation with which the Katipunan’s leaders faced the
coming struggle, or a hint of their debates about strategy and tactics, or
some detail about their last-minute efforts to secure weapons. Unfortunately,
the document conveys nothing of this. It is a prosaic record of a
meeting convened to resolve the mundane problems then besetting the KKK
council in the Manila suburb of Pandacan.
Bonifacio and Jacinto were present as representatives of the Supreme
Council, and the president of the Pandacan council, Ramon Bernardo (alias
“Salogo”) was also in attendance. A member known by the alias
“Kalasutsi” was summoned to explain his failure to undertake an assignment
given him by “Salogo” – a task which meant crossing to the other side of the
Pasig river. He said he had been tired. He admitted he had been
gambling and drinking basi (sugar cane wine), asked to be forgiven his
failings and said he was prepared to accept his punishment. He admitted
too that there had been bad-feeling between him and a member known as
“Palakul”. A member known by the alias “Balabad” was also called upon
to speak, and complained that “Salogo” had given him too many tasks, had
sworn at him, and had threatened to strike him. Bonifacio
ordered “Kalasutsi” to visit “Palakul” and reconcile their differences, and
presumably (though this record written by Jacinto doesn’t say so) implored
the brethren in Pandacan to cease their squabbling forthwith, and to direct
all their energies to preparing for battle. |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
K . K . K. N. M.
A. N. B. Kataastaasang
Sangunian Sa
ngalan ng Bayang tinubuan at sa lalung kapurihan at kaayusan ng K.K.K. Ngayong
ika 24 ng Junio ng taung 1896, ay gumawa ng isang pagpupulong sa bayan ng
Pandakan sa pamamagitan ng K.P., ng K. Kal, ng mga kapatid na Salago at iba
pa. Sa
ikawalong daguk ng bakal sa tansu ng gabi ay sinimulan ang pagpupulong, at
ipinahayag ng K. P. ang kadahilanan nito, na dili iba, kung di ang paghatul
sa mga pagkukulang na ginawa ng kap. na Kalasutsi. Pinaharap
ang kapatid na Kalasutsi at pinapanumpa na magsasabi ng boong
katutuhanan. Tinanung kung nababatid
niya ang kadahilanan ng pagkapapatawag ay sumagut ng oo; na dahil nga sa siya
daw ay ipinatawag ng P. sa Sb. at siya’y uutusan sa ibayo, na siya’y hindi
nakasunod dahil sa siya’y napapagud; datapua’t siya’y hindi nagsasalita ng
ano pa mang salitang masama sa nasabing P. na gaya ng sinasabi ng kapatid na
Balibad. Tinanung kung ano ang
masasabi niya tungkol sa kapatid na Palakul at sumagut na kinikilala niyang
magkasala siya dito, datapua’t nagkulang din ang Palakul. Tinanung siya kung kinikilala niyang
pagkukulang ang mga pangsusugal at pangbabasi na ginagawa niya, at siya’y
sumagut na kinikilala niya, at sa bagay na ito kaniyang inaantay ang sa
kaniya’y ipinaparusa. K
lahose Pinaharap
ang Balibad at nanumpa na magsasabi ng buong katutuhanan. Tinanung kung ano ang masasabi niya tungkol
sa bagay na ito, at sumagut na niyang pinaroonan niya sa ngalan ang kaniyang
tinatawag sa kautusan ng P. ay nagalalang, at nagsalita ng: Marami naman,
aniya, siyang (ang P.) mauutusan ay
ako pa ang kaniyang inuutusan (at may idinugtong na salitang masama); na
nagsalita din niyang ng ganito: Kung ako aniya ang pinalung gaya ng Antonio
(isang kap. na pinaruusahan ng ganito) ay may mangyayari. Balibad Pinaharap
na muli ang Kalasutsi at tinanung kung siya’y walang kagalit sa loob ng
Katipunan ay sumagut ng wala. Tinanung
na kung siya’y walang naiibigang palakad dito sa Kat. at sumagut na wala,
lamang ay sa pagtatanung niya sa Balibad kung bakit ipinapalu ang Antonio, at
ang isinagut sa kaniya ay ito: Kung
ang Kalihim ang sumangala [?] niyarin ay
ipapapalu ko rin. Tinanung siya kung
siya’y wala nang idinaagdag ay sumagut ng: Naku, bakit naman gayon. –
Nagsalita din naman na siya ay humihingi ng kapatawaran sa mga pagkukulang na
kaniyang magawa. K
lahose Pinagkaisahang
paparusahan, at ang ipaparusa ay ang siya’y ang tumungkol na uusigin niyang
mabuti ang lahat ng mga kapatid dito na gumagawa ang mga pagkukulang, at
kaniyang ipagbibigay alam sa Pangulo.
Tinangap ang parusa na sa kanya’y iginawad. Pinapanumpa
ang kapatid na Kalasutsi na kung tutuparan niya ang mga bagay na ito, at
naghandog ng pamunumpa. Siya’y
pinangaralan ng K.P. at siya’y inutusan magsadia sa kap. na Palakul at siya’y
makipagkasundin. Kapagkatapus
manumpa ang lahat na di isisiwalat ang mga namasdan at napakingan, niwakasan
ang pagpupulong. Maynila,
ika 24 ng Junio ng taung 1896. Ang
K. P. Ang K.
Kal. Pnllgknzll |
|
|
|
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
|
|
|