|
DOCUMENTS
OF THE Katipunan |
|
|
|
Mataas na Sangunian Certificate of christening, February 23, 1897 Source: Archivo General Militar de Madrid, Caja
5677, leg.1.139 |
||
|
This document
records that an infant girl has been given the name Patrisia at a ceremony
over which Julio Nakpil, the Mataas na Pangulo, presided in the Pasig barrio
of Pulo. Also in attendance were Leon de la Cruz, the Mataas na
Kalihim, and Emilio Jacinto, the Punong Hukbo. The ceremony
is termed a pagbibinyag, which
would normally be translated as “baptism,” but there is no reference to any
immersion, and in place of a priestly discourse on Catholic teachings there
was a reflection on the “Sacred cause of the Katipunan.” › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › › |
|
|
|
Sa nayon ng Pulo bayan ng Pasig
at balangay ng “Nagligtas” ika dalawangpu at tatlong Febrero ng isang libo
walong daan at siam napu at pito: nangagkatipon sa bahay ng kapatid G.
Engracio Cruz (Alagaw) and M N P-Ulo G. Julio Nakpil (Giliw) K. P. Hukbo G.
Emilio Jacinto (Pingkian) M. N. Kalihim G. Leon de la Cruz (Habagat) sanhi sa
pagbibinyag ng Sangol na babae na inianak ng madaling araw ng lingong
nakaraan ika dalawangpu at isa nitong lumalakad, ni G. Felicia Gatsaliang at
ng naturang kapatid magasawang tunay.
Sa bagay na ito, pinaharap sa kapisanan ang ini-ina sa binyag na si G.
Marcela de la Cruz, dalaga, sakop ng naturang balangay, at pinakalong ang
Sangol, at pagkatapos aralan ng ipinaguutos sa Banal na kadahilanan ng
Katipunan ay inalanan ang bata ng Patrisia tunay na anak ng magasawang nasabi
na. Inilathala sa M. A. N. B. itong
Banal na katuirang pagbibinyag at inilagda itong kasulatan na tinataktakan at
pinagtalaan ng Pinunong kabuoan ng M. S. Sa lahat ng ito, akong M. N. Kalihim
ay nagpapatotoo.
Ang
M.N.P. Ulo
Julio Nakpil Ang K. P.
Hukbo Emilio Jacinto Ang tunay na
ama Ang
tunay na ina E Gracia curoz pilisa
gadsilang Ang ina sa
binag Ang
gumanap Marcela Cruz Rogelio
Borja Bonifacio Bedaña |
|
|
|
|
|
|